Welcome sa mga kababaihang nagmamahal sa Diyos at sa Kanyang Salita! Excited na ba kayo sa susunod na linggo para sa ating pagbabasa ng Magandang Balita ayon kay Marcos (Gospel of Mark)?
Para sa mga mayroon ng sariling quiet time sa Panginoon, good job! Ipagpatuloy lang po natin ang ating paglalakad kasama ang Panginoon.
Sa mga kababaihan naman na bago pa lamang sa pagbabasa ng Bibliya, walang dapat ikabahala na baka hindi ninyo masundan ang iba. Ako man ay nagsimula sa pamamagitan lamang ng patnubay ng GoodMorningGirls.org.
Kung kailangan ninyo ng mga resources sa paghahanda para sa pagbabasa ng Salita ng Diyos, maari ninyong idownload ang mga sumusunod:
- Tsart ng Pagkulay: Ito ay para sa mga gustong maghighlight habang nagbabasa. Sa paraang ito, mas madali nating matatandaan ang ating binabasa.
- Verse na Pwedeng Pagnilayan: May mga verse bawat araw na kelangang imemorize. Hindi naman lubos na “kailangan” pero mas maganda lang etong paraan sa pagkakabisa ng partikular na verse sa Bibliya.
- Paliwanag sa Paraan ng SOAK na Pagbabasa
- Reading Plan – Gospel of Mark
- Journal para sa Gospel of Mark: Maaari ninyo itong gawing gabay sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Nakapaloob dito ang mga verse sa bawat chapter, mga tanong na pwedeng pagnilayan at ang SOAK method.
Alam natin na minsan, mas tinatawag tayo ng ibang gawain kung kaya’t nakakalimutan natin na magbasa ng Bible. Maari kayong magsimula kasama ang iyong mga kaibigan or kapamilya. Kaya lang minsan hindi din siguro tayo ngkakatugma sa paniniwala sa pamilya or kaibigan kung kaya’t andito ang GMG Philippines para magbigay ng patnubay sa pagsubaybay at pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng Bibliya.
Bukas ang Facebook Group na GMG Philippines para sa Bible Reading accountability. Maari tayong magpadala ng message or komento sa Page/Group para kumuha ng inspirasyon araw-araw sa isa’t isa. Abangan ninyo yan at sana ay makasali kayo!
Ang GMG -Philippines ay ginawa sa mga kababaihang Pilipino na nagnanais mapalapit sa Diyos. Minsan, kelangan natin ng lugar online na pwede nating maramdaman na “at home” tayo. Sa GoodMorningGirls, hindi ka naiiba. Belong kayo dito.
Kahit gaano man karami ang nagsasalita ng Ingles sa bansa natin, mayroon pa ding hindi bihasa sa paggamit nito. Ninanais ng GMG Philippines na yakapin ang mas nakakaraming kababaihan anuman ang estado sa buhay. Mas mainam na maramdaman ng bawat isa ang kalayaan sa pagpapahayag.
Kaya Ingles man or Filipino, pwedeng pwede!
Huwag ninyong kalimutang bisitahin at i-Like ang ating Facebook page: www.facebook.com/goodmorninggirlsphilippines
Patnubayan nawa tayong lahat ni God,
J