About Us

GMG Philippines

Ang GMG Philippines ay sangay ng Good Morning Girls na nakabase sa Pilipinas.

Mga Layunin

Ang GMG or “Good Morning Girls” ay may layuning:

  • Himukin ang mga kababaihan sa kanilang pagnanais na mabasa ang salita ng Diyos.
  • Maging kanlungan, gabay at kaibigan upang araw-araw nating mabasa ng sabay sabay ang salita ng Diyos.
  • Mapamahalaan ng maayos ang kanilang quiet time o taimtim na oras kasama ang Panginoon sa pamamagitan ng pagpapatibay ng source of accountability gamit ang iba’t ibang social media platforms tulad ng blog, Facebook, Twitter, Instagram atbp para mahikayat ang isa’t isa.
  •  Layunin nito na hikayatin ang mga kababaihan sa Pilipinas – mga dalaga man, may-asawa o ina – na simulan o ipagpapatuloy ang kanilang paglalakad kasama ang Panginoon.

Sa kabila ng katotohanang marami ang nagsasalita ng English sa bansa, hindi natin maikakaila na may malaking bahagi pa rin ng populasyon ng mga kababaihan na mas komportable sa wikang Filipino. Lahat ng materyal at babasahin ay aming isinalin sa Filipino upang higit na mapalaganap ang pagbabasa ng Bibliya sa Pilipinas.

Sa mga tumatanggap kay Hesus bilang ating Tagapagligtas, tuloy po kayo!

*** Ang GoodMorningGirls.Org ay sakop ng Women Living Well online evangelical ministry na non-denominational.

 

Mag-iwan ng puna